Home NATIONWIDE Pinas may 182 dagdag-kaso ng COVID-19

Pinas may 182 dagdag-kaso ng COVID-19

220
0

MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Department of Health ng 182 bagong COVID-19 cases nitong Biyernes, na nagdala sa nationwide caseload sa 4,112,293.

Ito ang pinakamataas na tally sa loob ng 33 reporting days at ikalawang sunod na araw ng mahigit 150 bagong kaso.

Mayroong 2,709 aktibong kaso, pinakamarami sa nakalipas na 13 araw.

Iniulat din ng DOH ang 156 bagong recoveries, habang wala namang bagong nasawi.

Naitala sa National Capital Region ang pinakamaraming bagong kaso sa nakalipas na 14 araw sa 633, sinundan ng Calabarzon sa 245, Central Luzon sa 179, Davao Region sa 120, at Soccsksargen sa 94.

May kabuuang 3,254 indibidwal ang sinuri nitong Huwebes base sa datos mula sa 304 testing laboratories.

Hanggang nitong Huwebes, ang national bed occupancy rate ay 14.4%, kung saan 3,055 ang okupado habang 18,209 ang bakanteng kama. RNT/SA

Previous articleHabagat magpapaulan sa Southern Luzon, Visayas
Next article‘Vog’ naobserbahan sa Bulkang Taal

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here