MANILA, Philippines – MAY DALAWANG newly-commissioned Navy vessels ang ginagamit para sa pagpa-patrol sa West Philippine Sea (WPS) at para sa disaster response.
“Lahat ‘yan ginagamit talaga natin pang patrolya–hindi lamang sa West Philippine Sea kung hindi pagka dun sa civil defense. Kagaya ngayon, maraming pinaguusapan at pinaghahandaan e bagyo,” ayon kay Pangulong Marcos.
Binigyang diin ng Pangulo ang kahalagahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa disaster response lalo na sa search and rescue operations at relief distribution.
“Since they have already [been] commissioned, then talagang ito ay isasama na natin sa imbentaryo ng ating mga barko para gamitin both for the defense from external forces and also for civil defense sa pagtulong sa mga disaster na nangyayari ngayon sa Pilipinas,” aniya pa rin.
Sa nasabing event, sinaksihan ni Pangulong Marcos ang pag-komisyon ng dalawang fast attack interdiction craft-missile platforms, ang BRP Gener Tinangag at BRP Domingo Deluana —bahagi ng nine Israel-made boats na in-order ng pamahalaan noong 2019 nagkakahalaga ng P10 billion.
Ayon sa Philippine Navy, ang vessels ay dineploy sa mahalagang choke points, pangunahing sea lines ng komunikasyon at littoral domains ng bansa.
“These gunboats are expected to provide added muscles to the Navy’s capabilities to secure the seas with their quick intercept ability, remote stabilized weapons and short-range missiles,” ayon sa ulat.
Ang dalawang newly-commissioned gunboats ay ipinangalan sa dalawang Philippine Navy-Marines na namatay “in line of duty” sa Marawi at Maguindanao. Kris Jose