Home NATIONWIDE Pinas may 209 bagong COVID-19 cases

Pinas may 209 bagong COVID-19 cases

MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Department of Health ng 209 bagong COVID-19 cases nitong Biyernes, batay sa pinakabagong bulletin.

Ito ang ika-limang sunod na araw ng pagdami ng mga kaso, na nagdala sa nationwide caseload sa 4,114,680 kaso.

Pumalo naman ang aktibong kaso sa 3,018, habang nananatili ang death toll sa 66,696.

Nakapagtala rin 309 karagdagang bilang ng gumaling, na nagdala sa recovery tally sa 4,044,966.

Pinakamaraming bagong kaso ang naiult sa NCR sa loob ng 14 araw sa 910, sinundan ng CALABARZON sa 379, Central Luzon sa 206, Davao Region sa 143, at SOCCSKSARGEN sa 121.

Hanggang nitong September 28, 3,342 indibidwal ang sinuri at 298 testing labs ang nagsumite ng datos.

Ang bed occupancy ay 15.3%, kung saan 3,171 okupado habang 17,550 ang bakante. RNT/SA

Previous articleSen. Lito at Ysabel, nag-iwasan?
Next articleDOE: P70B kakailanganin sa sunod na 5 taon para sa target na ‘full electrification’