MANILA, Philippines- May kabuuang 528 bagong COVID-19 cases ang naitala nitong Huwebes, ayon sa Department of Health (DOH).
Bahagya itong mas mataas kumpara sa tally nitong Miyerkules na 418 kaso.
Gayunman, ito ang ika-anim na sunod na araw ng mas mababa sa isang libo ang kaso, ayon sa ulat.
Samantala, nananatili ang aktibong kaso sa Pilipinas mas mababa sa 10,000 nitong Huwebes (9,783 kaso).
Pumalo naman ang nationwide caseload sa 4,157,172, habang umakyat ang recovery tally sa 4,080,908.
Nananatili ang death toll sa 66,481, sa ika-siyam na sunod na araw ng walang bagong nasawi.
Sa nakalipas na dalawang linggo, ang National Capital Region ang may pinakamaraming bagong kaso sa 3,213, sinundan ng Calabarzon sa 2,264, Central Luzon sa 1,781, Western Visayas sa 1,07, at Cagayan Valley sa 851.
May kabuuang 6,778 indibidwal ang sinuri nitong Miyerkules, habang 314 testing laboratories ang nagsumite ng datos.
Ang COVID-19 bed occupancy rate sa bansa ay 18.5% nitong Miyerkules, kung saan 4,727 ang okupado habang 20,825 ang bakante. RNT/SA