Home NATIONWIDE Pinas may 584 dagdag-kaso ng COVID-19

Pinas may 584 dagdag-kaso ng COVID-19

MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Department of Health (DOH) nitong Huwebes ng 584 bagong coronavirus infections, na nagdala sa active cases sa bansa sa 8,508.

Ito ang ikalawang sunod na araw ng pagdami ng mga kaso.

Batay sa datos mula sa DOH, makikita na tumalon ang nationwide caseload sa 4,161,235 habang umakyat din ang total recoveries sa 4,086,245.

Samantala, nananatili ang death toll sa 66,482, sa ika-limang sunod na araw na walang naitalang nasawi sa sakit.

Ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamaraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo sa 2,100, sinundan ng Calabarzon sa 1,339, Central Luzon sa 1,337, Western Visayas sa 846, at Cagayan Valley sa 587.

Nitong Miyerkules, 6,949 indibidwal ang sinuri habang 311 testing labs ang nagsumite ng datos.

Hanggang nitong Hunyo 21, ang COVID-19 bed occupancy ay 17.7%, kung saan 4,484 ang okupado at 20,818 ang bakante. RNT/SA

Previous articlePalawan, ilang bahagi ng VisMin uulanin sa ITCZ
Next articleDera, 6 NBI personnel kinasuhan sa paglabas sa detention facility