Home NATIONWIDE Pinas may 96 bagong COVID-19 cases

Pinas may 96 bagong COVID-19 cases

MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Department of Health nitong Miyerkules ng 96 bagong coronavirus infections, na nagdala sa nationwide caseload sa 4,108,648.

Ito ang ikalawang sunod na araw ng mas mababa sa 100 na bagong kaso ng virus.

Sumampa naman ang active case tally sa 3,048, ang pinakamababang bilang sa taong ito.

Umakyat ang bilang ng mga gumaling ng 134 sa 4,038,946, habang nadagdagan ang death toll ng limang kaso sa 66,654.

Naiulat na ang Metro Manila ang rehiyon na may pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na 14 araw sa  402, sinundan ng Calabarzon sa 234, Central Luzon sa 189, Davao Region sa 147, at Western Visayas sa 98.

Naitala ang bed occupancy sa 13.6%, kung saan 3,091 ang okupado habang 19,711 ang bakante. RNT/SA

Previous articleTUBIG SA TUBIG
Next articleRep. Teves sinibak sa Kamara