MANILA, Philippines- Walang nakikitang problema si Chinese Ambassador Huang Xilian sa delivery o paghahatid ng “humanitarian supplies” hanggang ang Philippine side ay nagbitbit ng “large-scale” building materials.
Ang pahayag na ito ni Huang ay bilang komento sa matagumpay na pagkumpleto ng Philippine vessels sa kanilang misyon na mag-resupply sa BRP Sierra Madre, isang Navy ship na nakasadsad sa Ayungin Shoal bilang outpost.
“There has never been a problem with the delivery of humanitarian supplies because there is a special arrangement for it, and the problem arose when the Philippines transported large-scale building materials,” ayon kay Huang sa 9th Manila Forum sa Quezon City, araw ng Martes.
“That’s all I can share with you for now,” dagdag na pahayag nito.
Samantala, naging matagumpay naman ang ginawang follow-up mission ng Pilipinas na magdala ng suplay sa mga personnel o tauhan na nagbabantay sa grounded vessel sa Ayungin Shoal.
“The routine follow-up Rotation and Resupply (RoRe) mission to the BRP Sierra Madre (LS 57) was successfully conducted today, August 22, through the combined efforts of the Armed Forces of the Philippines and the Philippine Coast Guard,” nakasaad sa kalatas ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS).
“This latest RoRe mission was able to deliver fresh provisions to our military personnel stationed on board BRP Sierra Madre,” dagdag pa rito.
Ang resupply ay mahalaga matapos na bombahin ng water cannon ng Chinese coast guard ang Philippine resupply mission sa Ayungin Shoal.
Sinabi ng NTF-WPS, tinangka ng Chinese coast guard na harangin ang resupply mission, subalit matagumpay naman itong nakumpleto nang walang karagdagang aberya. Kris Jose