Home HOME BANNER STORY Pinas may sapat na bigas ‘gang sunod na anihan – DA

Pinas may sapat na bigas ‘gang sunod na anihan – DA

MANILA, Philippines – Siniguro ng Department of Agriculture (DA) na sapat ang suplay ng bigas ng Pilipinas hanggang sa susunod na anihan.

Ito ay dahil inaasahan nito ang mga tatlong buwang halaga ng national rice stock inventory sa katapusan ng Disyembre bilang karagdagan sa supply ng bigas na makukuha sa ibang bansa.

“At the end we’re expecting mga (around) 85 to 90 days national stock inventory by end of December which is enough na ma-itawid natin hanggang sa susunod na (to last until) harvest season come March or April,” ani DA Assistant Secretary Arnel De Mesa sa isang forum sa Quezon City.

“Siyempre mayroon din namang import na dumarating kasi liberalized naman iyong importation natin. Based on historical data, may dumarating din na imports additional during the first quarter,” aniya pa.

Sinabi ni De Mesa na inaasahan ng DA ang hindi bababa sa 20 milyong metriko tonelada (MT) bago matapos ang taon.

Umabot sa 3.03 milyong MT ang import ng bansa noong Nobyembre, mas mababa kumpara sa 3.5 milyong MT noong nakaraang taon para sa parehong panahon.

“Last year ang kabuuan is 3.8 [MT]. We’re expecting this year mga 3.2, 3.3 million metric tons wala pa iyong Indian rice. So, kumbaga, magkaroon lang ng kaunting diprensiya, so plus matatag naman iyong ating production,” dagdag pa ni De Mesa.

Hinihintay ng DA ang paghahatid ng 95,000 MT ng Indian rice mula sa 295,000 MT na sinigurado ng gobyerno.

Inaasahan ang mga matagumpay na paghahatid sa Enero, dagdag ni De Mesa. Santi Celario

Previous articleTransport strike ulit sa Dis. 18- 22
Next articleDumaraming sasakyang pandagat ng Tsina sa Ayungin ‘di pa isang ‘invasion’