Home LIFESTYLE Pinas muling itinanghal na ‘Asia’s Leading Dive Destination’ – DOT

Pinas muling itinanghal na ‘Asia’s Leading Dive Destination’ – DOT

MANILA, Philippines- Pinangalanan ang Pilipinas na “Asia’s Leading Dive Destination” para sa ika-limang sunod na taon sa World Travel Awards (WTA) Asia & Oceania Gala Ceremony 2023 sa Ho Chi Minh City, Vietnam, nitong Setyembre 6.

Inanunsyo ito ng Department of Tourism nitong Huwebes, kung saan sinabi ng pinuno nitong si Christina Garcia Frasco na sumasalamin ang karangalan sa commitment ng bansa sa sustainable tourism development at kolaborasyon sa tourism stakeholders.

“The Philippines’ fifth consecutive win as Asia’s Leading Dive Destination further affirms the unparalleled beauty and megabiodiversity of our country loved by divers and tourists all over the world,” pahayag niya.

“From our ridges to our reefs, you will never run out of reasons to Love the Philippines,” dagdag ng DOT Secretary.

Base sa WTA website, nagsimula ang winning streak ng Pilipinas noong 2019, kung saan ang Malaysia, Indonesia, at Thailand ang madalas nitong kakumpitensya.

Ngayong taon, nasungkit ng Indonesia ang Asia’s Leading Beach Destination award. Nakamit ito ng Pilipinas muka 2020 hanggang 2022.

Itinatag ang WTA wnong 1993 ng organisasyong nakabase sa London. Kinikilala, pinararangalan at ipinagdiriwang nito ang tagumpay ng travel, tourism, at hospitality industries.

Itinanghal din ang Pilipinas bilang Best Dive Destination sa Diving, Resort, and Travel Show sa Malaysia noong Pebrero. RNT/SA

Previous articleKanong registered sex offender, naharang ng BI
Next articleRice retailers sa bansa, nagpulong

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here