Home NATIONWIDE Pinas, nag-donate ng P5.5-M para sa post-Cyclone Mocha recovery ng Myanmar

Pinas, nag-donate ng P5.5-M para sa post-Cyclone Mocha recovery ng Myanmar

MANILA, Philippines – NAG-DONATE ang Pilipinas ng USD100,000, o tinatayang P5.5 million, para suportahan ang pagsisikap ng Myanmar na makabangon mula sa Cyclone Mocha na humampas sa nasabing bansa noong May 2023.

Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang donasyon na tinurn -over noong Pebrero 6 sa ASEAN Secretariat, ay pagpapakita lamang na ang Maynila ay “solidarity with the people of Myanmar.”

“Myanmar, like the Philippines, is prone to natural disasters, and it is crucial that we help build ASEAN’s capacity to withstand and recover from such events in the future,” ayon kay Philippine Permanent Representative to ASEAN Hjayceelyn Quintana.

“Our collective expertise can contribute to the development of sustainable recovery strategies and the strengthening of our region’s disaster response capabilities,” aniya pa rin.

Ibinigay ni Quintana ang donasyon kay ASEAN Secretary General Dr. Kao Kim Hourn, sa kanyang kapasidad bilang ASEAN Humanitarian Assistance Coordinator (SG-AHAC).

Kinilala naman ni Kao ang matibay na suporta ng Maynila para sa disaster management at humanitarian assistance sa Southeast Asia.

“Indeed, the contribution from the Government of the Philippines today, along with my roles as SG-AHAC, underscores that ASEAN, as a region, stands in solidarity with the people and the affected communities in Myanmar and further reaffirms ASEAN’s commitment to the implementation of ‘One ASEAN One Response,’” aniya pa rin sa Feb. 6 ceremony.

Samantala, sinaksihan naman ni Ambassador Aung Myo Myint, Permanent Representative of Myanmar to ASEAN, at mga opisyal ng Philippine Mission at ASEAN Secretariat ang naturang seremonya.

Ang Cyclone Mocha ay isa sa pinakamalakas na cyclones na tumama sa Myanmar nang mag-landfall ito sa Rakhine State noong May 14, 2023. Kris Jose

Previous articleKRISIS SA BIGAS AT ANG SUPER EL NIÑO
Next article47 sugatan sa gumuhong simbahan sa Bulacan sa Ash Wednesday