Home NATIONWIDE Pinas nakapagtala ng 165 dagdag-kaso ng COVID

Pinas nakapagtala ng 165 dagdag-kaso ng COVID

MANILA, Philippines- Kinumpirma ng Pilipinas ang 165 bagong COVID-19 cases nitong Lunes na nagdala sa kabuuang kaso sa bansa mula nang magkaroon ng pandemya sa 4,118,885.

Batay pa sa COVID-19 tracker ng Department of Health, bumaba ang aktibong kaso ng 54 sa 2,970, habang umakyat naman ang recoveries ng 558 kaso sa 4,049,192.

Nananatili ang death toll sa 66,723 para sa ikalawang sunod na araw, ayon pa sa ulat.

Ang rehiyon na may pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na 14 araw ay National Capital Region sa 860, sinundan ng Calabarzon sa 397, Central Luzon sa 205, Davao Region sa 120, at Central Visayas sa 97.

Pumalo ang COVID-19 bed occupancy sa 16.0%, kung saan 3,196 ang okupado–kabilang ang 1,932 sa ICU—at 16,736 ang bakante. RNT/SA

Previous articleSI CHAIRMAN RONNIE ONG
Next articleWAIS SA BSKE ELECTIONS