Home NATIONWIDE Pinas nakapagtala ng unang kaso ng omicron subvariant XBB.1.5

Pinas nakapagtala ng unang kaso ng omicron subvariant XBB.1.5

67
0

MANILA, Philippines- Kinumpirma ng Pilipinas ang unang kaso ng omicron subvariant XBB.1.5, sa bansa na sinabi ng mga eksperto ay pinakanakahahawang uri ng COVID-19, ayon sa Department of Health.

Sa 1,078 samples na sinuri ng health authorities muls Jan. 30 hanggang Feb. 3, 196 ang natukoy na XBB, kabilang ang isang kaso ng XBB.1.5, ayon sa DOH sa pinakabago nitong biosurveillance report.

Natuklasan ang XBB sa lahat ng rehiyon maliban sa Region 8 at sa Bangsamoro, base sa ulat.

Sinabi ng DOH na na tinukoy ng European Centre for Disease Prevention and Control ang XBB.1.5, offshoot ng XBB subvariant, bilang variant of interest dahil sa pagdami ng kaso nito sa buong mundo at enhanced immune-evading properties. 

Natuklasan ang variant sa 59 bansa sa anim na kontinente, ayon sa sequence submissions sa GISAID. 

Batay sa pagtataya ng US Centers for Disease Control and Prevention, kumakatawan ang subvariant sa  66.4 percent ng mga kaso sa US mula Jan. 29 hanggang Feb. 4, 2023. RNT/SA

Previous articlePaglobo ng teenage pregnancies sa edad 10 -14, dapat nang maresolbahan – Angara
Next articleGymnast Yulo, pinarangalan sa Senado