Home NATIONWIDE Pinas nanatili sa ika-52 pwesto sa world competitiveness ranking

Pinas nanatili sa ika-52 pwesto sa world competitiveness ranking

MANILA, Philippines – NAPANATILI ng Pilipinas sa ‘same level’ gaya sa nakaraang taon ang competitiveness ranking nito sa buong mundo.

Ito’y bunsod na rin ng pagpapabuti sa pagtugon sa mga hamon ayon sa ulat ng Switzerland-based Institute of Management Development (IMD).

Sa 2024 World Competitiveness Report nito, ipinuwesto ng IMD ang Pilipinas sa pang-52 mula sa 67 economies na ranggo sa buong mundo.

Nananatili naman ang bansa sa ‘same spot’ gaya noong nakaraang taon.

Ang IMD’s World Competitiveness ranking, unang inilathala noong 1989, “analyzes and ranks countries according to how they manage their competencies to achieve long-term value creation.”

Hinati naman ang ranking ng IMD sa apat na aspeto, “economic performance, government efficiency, business efficiency, at infrastructure.”

“The four areas, together, capture various aspects of competitiveness, such as macroeconomic stability, fiscal policy, institutional quality, market openness, business dynamism, innovation, education, health, and environmental performance,” ayon sa Swiss institute.

Sa kabilang dako, nakasaad sa IMD report na ang Pilipinas ay nag-rank ng mataas sa Employment (10th), Tax policy (15th) at Domestic Economy (27th).

Gayunman, sinabi nito na sa kabila ng malakas na overall performance, natuklasan ng World Competitiveness report na ang Pilipinas ay ‘less competitive’ sa mga lugar na gaya ng:

-Business Legislation (60th)

-Basic Infrastructure (62nd)

-Education (63rd)

Sa hanay ng Asia-Pacific’s 14 economies, ang Pilipinas ay pumwesto sa pang-13 ranggo, hindi nagbago sa loob ng limang magkakasunod na taon.

Samantala, tinukoy naman sa report ng IMD ang mga sumusunod na hamon na kinahaharap ng Pilipinas ngayong taon.

Ang mga ito ay:

-“Sustaining the country’s job-generating investments

-Ensuring food security to temper inflation and keep prices affordable.

-Addressing learning gaps to improve the education system

-Building sustainable infrastructure to reduce climate change vulnerability

-Resolving the Philippines’ territorial rights to the West Philippine Sea diplomatically and peacefully”

Pagdating naman sa ibang dahilan, nakitaan naman ng improvement ang Pilipinas sa domestic economy kung saan mula pang- 30 ay pang-27 na at public finance mula pang- 55 ay naging pang-49.

Sa nasabing report, ang Singapore ay may rank bilang “most competitive economy” sa buong mundo ngayong taon, sinundan ng Switzerland at Denmark.

“We believe the most competitive economies of the future will be those able to anticipate and adapt to this changing global context while simultaneously creating value and well-being for their people. And that will also make them sustainable,” ayon kay Arturo Bris, director ng IMD World Competitiveness Center (WCC). Kris Jose