Home NATIONWIDE Pinas nangakong magiging ‘pathfinder, peacemaker’ sa UNSC bid

Pinas nangakong magiging ‘pathfinder, peacemaker’ sa UNSC bid

MANILA, Philippines- Nangako ang pamahalaan ng Pilipinas na magiging “partner, pathfinder, and peacemaker” ito sakaling masungkit ang non-permanent seat sa United Nations Security Council.

Inihayag ito ni Philippine Ambassador and Permanent Representative Evangelina Lourdes Bernas sa piling grupo ng mga bansa sa reception sa Vienna nitong nakaraang linggo, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Martes.

Sinabi ni Bernas na paiigtingin ng Pilipinas ang partnerships nito para sa kapayapaan at andsustainable development at sisikaping makahanap ng “enduring solutions for overcoming common challenges through dialogue, consensus-building, and collaborative problem-solving.”

Binanggit din ni Bernas ang mahabang kasaysayan ng bansa sa aktibong pakikilahol sa UN peacekeeping at special political missions, kung saan nag-deploy ng 14,000 indibidwal sa nakalipas na 60 taon.

Kasado ang eleksyon para sa UN’s premier decision-making body 2027-2028 term sa June 2026 sa New York.

Matatandaang nahalal ang Pilipinas bilang non-permanent member ng UNSC noong 1957, 1963, 1980-1981, at 2004-2005.

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kandidatura ng Pilipinas sa 77th United Nations General Assembly noong September 2022.

Sa pag-host ng bansa sa Asia-Pacific Parliamentary Forum (APPF), inilahad ni Senate President Juan Miguel Zubiri na nasa 17 bansa ang naghayag ng suporta sa adhikain ng Manila. RNT/SA

Previous articleHigit 2K pasahero stranded sa pagtama ni ‘Kabayan’
Next article‘Extra buffer’ para sa Angat reservoir inihirit ng MWSS