Home NATIONWIDE Pinas ‘on track’ sa pag-abot sa upper middle-income status sa 2025

Pinas ‘on track’ sa pag-abot sa upper middle-income status sa 2025

MANILA, Philippines- Nananatiling positibo ang socioeconomic planning agency ng bansa na ang Pilipinas ay magiging “upper middle-income economy” sa susunod na taon.

Sinabi ni National Economic and Development Authority Arsenio M. Balisacan na ang bansa ay nananatiling “on track” para makamit ang isang upper middle-income status sa 2025 na maaaring iugnay sa mas mataas na economic growth, “as measured gross domestic product (GDP),” at mabagal na pagdami ng populasyon.

“The numbers are pointing at an upper middle-income status by next year if we achieve at least six percent growth of GDP, and by all indications, I think that six percent should be doable,” ayon kay Balisacan.

“And there’s another positive factor that we saw recently in terms of population, population numbers are actually lower, while the latest census we had showed slower population growth,” dagdag na wika nito sabay sabing, “Being an upper middle-income country is to have a gross national income (GNI) per capita income range of $4,466 to $13,845 as measured by the country’s final income in a year and its population.”

Sa ngayon, inilagay ng World Bank ang Pilipinas sa kategoryang “lower middle-income country” na may GNI per capita na $3,950.

Layon ng administrasyong Marcos na dalhin ang Pilipinas sa “upper-middle income status” sa 2024 na nakahanay sa target ng World Bank (WB).

“For the current 2024 fiscal year, low-income economies are categorized as those with a GNI per capita of $1,135 or less in 2022; lower middle-income economies are those with a GNI per capita between $1,136 and $4,465; upper middle-income economies are those with a GNI per capita between $4,466 and $13,845; high-income economies are those with a GNI per capita of $13,846 or more,” ayon sa ulat.

Samantala, ang ASEAN-4 neighbors kabilang ang Malaysia, Thailand, at Indonesia ay mayroong per capita incomes na $11,700, $7,200 at $4,900, lahat ay nasa upper-middle-income category.

Bago pa naging isang upper-middle-income country, hinikayat ang Pilipinas na tugunan muna nito ang poverty rate.

Ayon sa ulat ni French Development Agency (AFD) Country Risk Economist Benoît Jonveaux, ang bansa ay nananatiling mababa sa ASEAN neighbors nito pagdating sa per capita GDP sa purchasing power parity (PPP).

“In 2022, it was 50 percent lower than in Indonesia, 30 percent lower than in Vietnam, and almost two times lower than in Thailand,” ayon kay Jonveaux.

“Similarly, the path towards poverty reduction (although there has been a sharp decline in poverty) and human development falls slightly below neighboring countries,” dagdag pa nito.

Subalit, nanatili namang mas mababa kaysa sa 35.3% noong 2010, base sa World Bank threshold para sa lower middle-income class countries.

Gayunman, ang poverty rate ng bansa ay nananatiling mababa kumpara sa Vietnam na may 5.3% at Thailand na may 1%, base sa report.

Upang malutas ito, tinukoy ng report ang pangangailangan na tugunan ang “access to financing,” bahagyang mababang productivity ng mga manggagawa, at halaga ng elektrisidad, na sinasabing pinakamataas sa ASEAN region matapos ang Singapore.

Binaggit din ang pangangailangang tugunan ang pamamahala ng bansa bunsod ng “World Bank’s governance indicators on the rule of law, corruption, and government effectiveness have also declined since 2016 and are in the bottom half of the institution’s global rating.” Kris Jose

Previous articleAnak ni Dennis, umatras sa showbiz!
Next articleNSA Año sa mga dating rebelde: Amnesty program ng gobyerno ikonsidera