MANILA, Philippines – Nakuha ng Pilipinas ang ikalawang puwesto sa mga bansa sa buong mundo na may pinakamahabang oras ng paggamit ng screen sa mobile phones, ayon sa isang sarbey.
Base rito, umaabot sa halos 9 oras at 14 minuto ang inaabot ng mga Pilipino sa kanilang mga cellphone batay sa isang survey na isinagawa ng Electronics Hub.
“Ang aming pananaliksik ay nagpapakita na halos isang ikatlo (32.5%) ng araw ng mga Pilipino ay ginugugol sa paggamit ng kanilang mga smartphones,” ayon sa survey.
Nanguna ang South Africa sa survey na ang mga mamamayan nito ay gumugugol ng 58.2% ng kanilang araw sa kanilang digital devices, samantalang ang Japan naman ang nasa huling puwesto na may 21.7%.
Sinabi ng Electronics Hub na inanalisa nila ang DataReportal’s Digital 2023: Global Overview Report para hanapin ang mga datos sa oras ng paggamit ng screen sa bawat bansa, kung saan ibinigay ang impormasyon mula sa iba’t ibang pinagmulan, kasama na ang Semrush at SimilarWeb.
Lumabas din sa survey ang Telenor Survey na nagpapakita na 29% ng mga Pilipino ang “digital dependent,” na pinakamataas na porsyento sa Asya. RNT