Home NATIONWIDE Pinas, South Korea lumagda sa free trade deal

Pinas, South Korea lumagda sa free trade deal

251
0

MANILA, Philippines – ISANG free trade agreement (FTA) ang nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at South Korea sa sidelines ASEAN Summit sa Indonesia.

Inaasahan na ang nasabing kasunduan ay makapagpapalakas sa investment relations at makalilikha ng trabaho sa Pilipinas.

Sa kanyang report sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang paglagda sa FTA ay “clearly demonstrates the shared commitment of both countries to their mutual economic growth and development.”

“The FTA will strengthen our bilateral trade and investment relations with the Republic of Korea especially as it generates jobs and contributes to the Philippines’ value proposition as an ideal regional hub for smart and sustainable investments,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

Ang naturang kasunduan ay isnag mahalagang hakbang para sa pagsusulong ng ‘economic friendship’ ng dalawang bansa.

Binigyang diin ng Pangulo na patunay din ito na marami ang umaasam sa kolaborasyon ng Maynila at Seoul.

Nagtapos ang pag-uusap ng dalawang bansa hinggil sa free trade pact noong 2021. Kris Jose

Previous articleP3-B budget sa fuel subsidy inilabas na ng DBM
Next articleBlacklisted American sex offender binalak pumasok ng Pinas, naharang

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here