Home NATIONWIDE Pinas top 4 spender sa online concerts!

Pinas top 4 spender sa online concerts!

MANILA, Philippines – Napag-alaman sa isang sarbey na nasa ikaapat na pwesto ang mga Pilipino pagdating sa pinakamalaking gumagastos sa rehiyon ng Asia-Pacific para sa mga live concerts.

Ang datos ay lumbas ayon sa pagsusuri  ng kumpanya ng digital payments na Visa.

Batay sa isang online na survey sa Pilipinas mula Mayo hanggang Hunyo noong nakaraang taon, 38% ng mga Pilipinong respondent ang nagsabing dumalo sila sa mga konsyerto sa nakalipas na 12 buwan, sa lokal man o sa ibang bansa.

Ito ang naglagay sa kanila na pang-apat sa rehiyon, kasunod ng India sa 45%, Vietnam sa 41%, at Indonesia sa 40%.

Ang pag-aaral ng Visa sa Pilipinas ay nagsurvey sa 500 indibidwal, na may mga lalaki at babae na respondent na may edad 18 hanggang 65.

Sa mga Pinoy na naglakbay sa ibang bansa para dumalo sa isang music concert, 37% ang nagsabing nagplano sila ng isang paglalakbay partikular na para dumalo sa kaganapan. RNT

Previous articleLider ng oposisyon sa Russia nasawi sa bilangguan
Next article4,659 benepisyaryo nabigyan ng lupa ng gobyerno