Home HOME BANNER STORY Pinas, Tsina nagpalitan ng radio challenges sa WPS

Pinas, Tsina nagpalitan ng radio challenges sa WPS

MULING nagpalitan ng radio challenges ang Pilipinas at Tsina sa kamakailan lamang na humanitarian mission ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para sa mga Filipinong mangingisda sa West Philippine Sea (WPS).

Sa katunayan, nakatanggap ang BFAR aircraft na nagmo-monitor sa misyon ng radio challenges mula sa Chinese Navy habang ang aircraft ay papalapit sa Baja de Masinloc.

“Philippine aircraft, this is Chinese Navy warship calling. You have approached the area adjacent to China’s Huangyan Island,” ayon sa Chinese Navy sabay sabing “To avoid miscalculation, please alter your course.”

Ang naging tugon naman ni Colonel Charles Manalo, co-pilot ng aircraft ng BFAR ay “This is the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources aircraft of the Philippine government conducting a lawful maritime patrol within the exclusive economic zone (EEZ) of the Republic of the Philippines”.

“Based on the 1982 UN Convention on the Law of the Sea, we are free to fly and operate as international law allows. China, as a signing member of the UNCLOS on December 10, 1982, you are requested to abide by the said convention,” ayon kay Manalo.

“You are way beyond the 200 nautical miles of your country. Please review your chart,” dagdag na wika nito.

Maliban sa floating barrier sa entrada ng Bajo de Masinloc, may ilang Chinese ships ang nakita na nagkukumpulan sa bisinidad ng shoal.

Sinabi ng BFAR na may 16 mother boats ng mga Filipinong mangingisda sa WPS ang nakatanggap ng pagkain, tubig at fuel assistance sa isinagawang humanitarian mission.

Sa kabilang dako, itinanggi naman ng Philippine Coast Guard ang ulat na pinaalis ng Tsina ang BFAR ships mula sa Baja de Masinloc.

“The main objective of the Chinese government is why they are doing this kind of falsehood. They want to tell their public audience that they are carrying out their own actions to prevent Philippine vessels from patrolling Bajo de Masinloc. They are lying,” ayon kay PCG Spokesperson Commodore Jay Tarriela.

Nauna rito, tinuran naman ng National Security Council na iro-rotate ng Pilipinas ang deployment ng vessels sa Bajo de Masinloc simula ngayong buwan ng Pebrero para protektahan ang mga mangingisda. Kris Jose

Previous articleIskul sa MisOr binulabog ng bomb scare
Next articleMark, bet mag-asawa para magka-anak, na-bash!