Home NATIONWIDE Pinas, US balak magdaos ng ‘2-plus-2’ meeting sa Marso — Amb. Romualdez

Pinas, US balak magdaos ng ‘2-plus-2’ meeting sa Marso — Amb. Romualdez

MANILA, Philippines – BALAK ng Pilipinas at Estados Unidos na magdaos ng isang “2-plus-2 meeting” ng top diplomatic at defense officials sa Maynila sa darating na Marso.

Sa ulat, kinumpirma ni Philippine ambassador to Washington Jose Manuel Romualdez ang isang Nikkei report na tinutukoy ang pinagmulan ng talakayan.

Aniya, ang plano ng pagpupulong ay “still a work in progress.”

Sa ulat pa rin, nakatakdang makapulong nina US Secretary of State Antony Blinken at Secretary of Defense Lloyd Austin ang kanilang counterparts na sina Enrique Manalo at Gilberto Teodoro sa Marso, kauna-unahang dayalogo sa Pilipinas mula nang simulan ang format noong 2012.

Hindi naman nagbigay ng detalye si Romualdez sa kung ano ang pag-uusapan sa miting.

Ang Pilipinas ay treaty ally ng Estados Unidos.

Wala namang naging pahayag ang defense secretary, Philippine foreign ministry, at US Embassy in Manila sa bagay na ito. Kris Jose

Previous articleFans ng Ginebra nalungkot, GinKings sinibak ng SMB
Next articleKingad nabawian ni Wakamatsu