Home NATIONWIDE Pinas, US, Japan, nagkasundo para sa mas maraming aktibidad sa WPS

Pinas, US, Japan, nagkasundo para sa mas maraming aktibidad sa WPS

MANILA, Philippines- Nagkasundo ang Pilipinas, Estados Unidos at Japan na paigtingin ang pinagsama-samang  maritime activities sa West Philippine Sea (WPS).

Ito’y sa gitna ng “unilateral attempts to change the status quo by force or coercion.”

Inanunsyo ito nina National Security Adviser Eduardo Año at ng kanyang counterparts na sina Jake Sulivan ng Estados Unidos at Takeo Akiba ng Japan matapos ang kanilang unang trilateral meeting sa Tokyo.

Sa kanilang joint statement, hindi binanggit ng tatlong opisyal ang China, nangyari ito bago pa dumating sa Beijing si US State Secretary Anthony Blinken sa gitna ng tumataas na “lumalamig na relasyon”  ng itinuturing na “two largest economies” ng buong mundo.

Sa ulat, ang mga coast guards ng tatlong bansa ay nagsagawa ng kanilang unang joint exercises sa WPS nito lamang unang bahagi ng buwan ng Hunyo at ang tatlong security officials “reaffirmed the importance of such activities” sa nasabing miting.

Isinagawa naman ng tatlong bansa ang kanilang unang quadrilateral defense ministerial meeting kasama ang Australia nito rin lang unang bahagi ng buwan sa sidelines ng Shangri-La  Dialogue sa Singapore.

Nagkasundo rin ang mga ito na paghusayin ang “maritime domain awareness ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagsisikap kabilang na bagong “Official Security Assistance” cooperation framework ng Japan at ng Indo-Pacific Partnership for Maritime Domain Awareness ng Quad.

Pagtitibayin din ng tatlong bansa ang pagsisikap sa larangan ng humanitarian assistance at disaster relief.

Samantala, nagkasundo rin ang tatlong opisyal na mag-convene ng mas marami pang trialteral exchanges sa mga susunod na buwan para palawigin ang pagtutulungan at information sharing.

Ang Washington at Tokyo ay hindi claimants sa South China Sea subalit makailang ulit na naghayag ang mga ito ng pagkabahala sa “muscle flexing” ng China sa rehiyon kabilang na ang WPS at Taiwan. Kris Jose

Previous articleForklift operator isinelda sa paninilip sa naliligong dalaga sa Malabon
Next articlePanukalang paglalagay ng evacuation center sa bawat LGU, pinapapaspasan sa Senado