Home NATIONWIDE Pinas, US muling nag-usap; ‘bilateral ties’ pinagtibay pa

Pinas, US muling nag-usap; ‘bilateral ties’ pinagtibay pa

MANILA, Philippines – PINAGTIBAY nina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at US Secretary of State Antony Blinken, sa tawag sa telepono, araw ng Huwebes, ang bilateral relations sa pagitan ng Maynila at Washington, isang linggo matapos ibahagi ng Filipino diplomat ang “frank and candid exchange” sa kanyang Chinese counterpart.

Inulit ni Manalo kay Blinken ang interest ng Pilipinas na protektahan ang soberanya at hurisdiksyon “while maintaining peace and security and upholding the rules-based international order.”

Binigyang diin nito ang kahalagahan ng bukas na linya ng komunikasyon at dayalogo sa ibang partido.

Samantala, sa isang kalatas mula kay US State Department Spokesperson Matthew Miller, sinabi nito na pinag-usapan nina Blinken at Manalo ang pagpapalakas sa Philippine-US cooperation sa 2024.

Gayundin, binigyang diin ni Blinken ang “ironclad commitments” ng Washington sa Maynila sa ilalim ng kanilang Mutual Defense Treaty, kung saan kailangan na magtulungan ang dalawang bansa sakali’t may pag-atake ng armado mula sa foreign power.Ang d

ayalogo na ito ay isinagawa matapos na magkaroon ng kanilang sariling tawag sa telepono sina Manalo at Chinese Foreign Minister Wang Yi kasunod ng sunod-sunod na paglusob at harassments ng China sa West Philippine Sea nito lamang nakaraang buwan.

Samantala, nagkasundo naman ang dalawang diplomats sa kahalagahan ng dayalogo para tugunan ang mga usapin ng dalawang bansa, subalit binalaan ni Wang ang Pilipinas na “act with caution,” sabay sabing ang bilateral ties ngayon ay nasa ‘crossroads” dahil sa ginawang pagbabago o pagpapalit ng polisiya at programa ng Pilipinas. Kris Jose

Previous articleKrimen sa Pinas bahagyang bumaba – PNP
Next article2K MT bigas idinonate ng Taiwan sa mahihirap, biktima ng kalamidad sa Pinas