Home HOME BANNER STORY Pinas uulanin pa rin kahit umalis na si #DodongPh

Pinas uulanin pa rin kahit umalis na si #DodongPh

226
0

MANILA, Philippines – Hindi pa rin makapagpapahinga ang Pilipinas sa mga nararanasang pag-ulan kahit pa lumabas na si bagyong #DodongPh sa bansa.

Ito ay matapos na sabihin ng PAGASA na makaaapekto ang Southwest Monsoon (Habagat) sa bansa ngayong Linggo at magdadala ng mga pag-ulan.

Bunsod nito, ang Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, at ang hilagang bahagi ng Palawan ay makararanas ng monsoon rains, na may posibilidad ng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa kalat-kalat sa malawakang pag-ulan.

Maaaring asahan ng Metro Manila, Western Visayas, La Union, Pangasinan, Benguet, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas, at nalalabing bahagi ng Mimaropa ang paminsan-minsang pag-ulan dahil sa Habagat.

Ang nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng monsoon. Ang mga flash flood o landslide ay posibleng mangyari dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Samantala, ang Mindanao at ang natitirang bahagi ng Visayas ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng Southwest Monsoon at localized thunderstorms. Sa panahon ng matinding pagkulog, posibleng magresulta ang flash flood.

Ang Tropical Storm Dodong (international name Talim) ay lumabas ng Philippine Area of ​​Responsibility noong Sabado ng hapon.

Alas-3 ng madaling araw noong Linggo, tinatayang nasa 390 km kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte na ito, taglay ang maximum sustained winds na 85 km/h malapit sa gitna na may pagbugsong aabot sa 105 km/h. Kumikilos ang Talim pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 20 km/h. RNT

Previous articleLotto Draw Result as of | July 15, 2023
Next article2 pa patay sa COVID; 283 dagdag-COVID naitala

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here