Home NATIONWIDE Pinas uutang sa domestic market ng P2.46T

Pinas uutang sa domestic market ng P2.46T

MANILA, Philippines – SINABI ng gobyerno ng Pilipinas na sasandal ito sa domestic front para makapag-raise ng mahigit sa P2 trillion na hihiramin ngayong taon para palakasin ang state coffers.

Sa isang kalatas, sinabi ng Department of Finance (DOF) na ang kabuuang borrowing requirement ngayong taon ay nananatili sa P2.46 trillion.

Makikita sa data mula sa Budget of Expenditures and Sources of Financing for Fiscal Year 2024 ng Department of Budget and Management’s (DBM) na ang borrowing program para ngayong taon ay P2.46 trillion, mas mataas sa P2.207 trillion borrowing program noong nakaraang taon.

At para naman sa borrowing program ngayong taon, sinabi ng DOF na ipagpapatuloy ng pamahalaan ang pag-adopt sa 75:25 borrowing mix na pabor sa domestic sources.

“This prudent debt management strategy would allow the country to effectively mitigate foreign exchange risks, take advantage of the abundant liquidity in the country’s financial system, and support the development of the local debt and capital markets,” ayon sa DoF.

Ipinresenta ang borrowing plan sa briefing session ng DoF ukol sa strategic financing program para ngayong taon, pinangunahan ni Finance Secretary Ralph Recto, sa Bureau of the Treasury (BTr) office nito lamang Enero 17, 2024.

“To raise the borrowing requirement funds, the Treasury was targeting to issue the 30th tranche of its Retail Treasury Bond (RTB) within the first quarter,” ayon sa departamento.

“The RTBs encourage ordinary Filipinos to start investing in safe and stable sources of passive income, while promoting financial inclusion. To further this agenda, the BTr is looking to engage more digital finance platforms, allowing the BTr to reach a wider investor base,” saad pa rin ng DoF.

Sa ulat, “as of end-November 2023”, ang sovereign debt ng bansa ay nananatili sa bagong record high na P14.51 trillion, tumaas ng 0.19% mula sa P14.48 trillion na nakita sa pagtatapos ng October 2023.

“The country’s debt-to-gross domestic product (GDP) ratio, which measures the amount of the government’s debt relative to the size of the economy, improved to 60.2% as of the third quarter of the year from 61% in the second quarter,” ayon sa DoF.

Ito’y nangyari matapos na makita ang mabilis na economic growth sa kahalintulad na panahon na 5.9%, mula sa 4.3% sa second quarter.

Ang mas mababang debt-to-GDP ratio ay nagpapahiwatig na kaya ng bansa na magbayad ng utang nito na walang matinding epekto sa ekonomiya.

Sa ilalim ng Medium Term Fiscal Framework ng administrasyon, layon ng pamahalaan na ibaba ang debt-to-GDP ratio sa mas mababa sa 60% sa 2025 at higit pang ibaba sa 51.1% sa 2028. Kris Jose

Previous articleTaguig mayoralty bid isa sa pinag-iisipan ni Mayor Binay
Next article16 parak sibak sa serbisyo ngayong Enero