Home SPORTS Pinoy aangat sa BiFin swimming – Buhain

Pinoy aangat sa BiFin swimming – Buhain

416
0

MANILA, Philippines – Kumpiyansa si Philippine Sports Hall-of-Famer at Batangas 1st District Congressman Eric Buhain na malaki ang tsansa ng Pinoy na umangat BiFin swimming at ang impresibong kampanya ng bagong tatag na National BiFin swimming team sa katatapos na 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia ay patunay na karapat-dapat itong tulungan at suportahan para maisulong matatag na programa higit sa grassroots level.

Sa unang pagkakataon sa regional biennial meet, ang eight-man team ay pawang nakapasok sa finals sa kani-kanilang event tampok ang makinang na silver medal na napagwagihan ni Palarong Pambansa swimming champion Alexi Cabayaran sa 200 women bifin breaststroke sa tyempong 1 minuto at 56.49 segundo sa likod ng gold medal winner na Cambodian Muyni Kaing (1:51.69).

Ang 15-anyos na si Alexi mula sa Silay City sa Negros Occidental ay isa sa napili mula sa mga lumahok sa isinagawang Visayas tryouts na inorganisa ng COPA nitong Pebrero sa Bacolod City. Sa pamamagitan ng isang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng Fin Swimming Federation, ang COPA ay naatasang magsagawa ng pambansang tryouts, pumili. Magbuo ang magsanay sa koponan para sa SEAG.

Bukod kay Alexi na angat na sa Grade 11 sa Trinity Christian School, ang iba pang miyembro ng team ay sina Renz Santos, Janine De La Paz, Raymund Paloma, Raina Leyran, Kristoff David, Ishaelle Villa, at Troy Castor.

Sa ilalim ng Incentive Act Law, si Alexi ay kailangang makatanggap ng P150,000 cash incentives mula sa pamahalaan, ngunit bago pa man mailabas ang cash rewards, uuwi siya na may dagdag na ngiti sa mga labi mula sa ipinagkaloob na cash gift ni Buhain sa kanya, gayundin sa buong koponan kabilang sina coach Ramil Ilustre at Agot Alcantara.

“Konting pabaon lang para pasalubong pag-uwi nila sa Negros,” said Buhain.

Nakakuha rin ng cash reward mula kay Buhain si SEA Games record breaker Xiandi Chua, ang pinakamatagumpay na manlalangoy para sa Team Philippines sa Cambodia, sa napagwagihang isang ginto, isang pilak at dalawang tansong medalya. Ang 21-anyos la Salle mainstay ay matagal nang miyembro ng COPA at ang kanyang coach na si Pinky Brosas ay kasalukuyang national training director ng COPA.

Sa kasalukuyan, naisama na ng COPA ang BiFin event sa programa ng lahat ng torneo na nasa pangangasiwa ng COPA.RCN

Previous articleDoc Rivers sinibak ng 76ers
Next articlePalasyo: Mungkahi ni Tulfo na imbestigasyon sa NGCP, oks kay PBBM

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here