Home NATIONWIDE Pinoy healthcare workers, mas gusto ng world leaders – PBBM

Pinoy healthcare workers, mas gusto ng world leaders – PBBM

220
0

MANILA, Philippines – SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na biktima ng sarili nitong tagumpay ang Pilipinas sa gitna ng kakapusan ng healthcare workers dahil marami sa mga ito ang nagpupunta sa ibang bansa para maghanap ng mas maayos na sweldo sa trabaho.

Ang pahayag na ito ng Pangulo ay sinabi niya sa isang pulong kasama ang Business Executives for National Security (BENS) nang tanungin ukol sa business opportunity sa Philippine healthcare system.

“Unfortunately, in terms of healthcare workers, we have become victims of our own success in that the Filipinos did really well during the pandemic. And so, every leader I meet says ‘can we have more Filipino med techs, doctors, and nurses?’ So we’re having ashortage here,” ayon kay Pangulong Marcos.

Gayunman, kumikilos naman ang Department of Health (DoH) para pagaanin ang problema.

“One of the things our Department of Health has come up with is that we are coming to an arrangement with countries who will accept Filipino healthcare workers to at the same time train the equivalent number of healthcare workers that will stay in the Philippines,” ang pahayag ng Punong Ehekutibo.

Target din ng administrasyon na bilisan ang board examinations upang makalikha ng mas maraming healthcare workers.

“We are trying to accelerate the board examinations of nurses so we can actually put out more. So that’s the adjustment that we are trying to make. So it’s not only in the facilities, it’s also in the training. We are very proud of them but we wish they’d stay home,” ayon sa Chief Executive.

Hindi naman lingid sa lahat na ang mga healthcare workers ay “underpaid” sa Pilipinas, dahilan para marami sa mga ito ang sumusubok na magtrabaho sa ibang bansa. Kris Jose

Previous articlePCO: Freedom of Information bill isertipikang urgent
Next articleBSKE 2023 sa NegOr walang dahilan para ipagpaliban – Abalos

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here