MANILA, Philippines – MATAAS pa rin ang demand para sa mga Filipino healthcare workers sa Canada dahil sa kanilang “expertise at skills.”
Ito ang sinabi ni Canadian Ambassador to the Philippines David Hartman sa isang panayam.
Sa katunayan, mula taong 2017 hanggang 2022, nag-hire ang Canada ng mahigit sa 21,000 healthcare workers kung saan karamihan ay mga nurse at doktor.
“Very significant number of opportunities for the healthcare industry,” ayon kay Hartman.
“Philippine healthcare workers are known for their compassion, kindness, and most importantly their skills,” dagdag na wika nito.
Habang may mataas na demand para sa health workers mula sa PIlipinas, nananatili namang sensitibo ang Canada sa umiiral na domestic landscape pagdating sa health professionals.
“While we are very keen to receive Filipino healthcare workers in Canada, we want to make sure that we are respectful for the market conditions here. We want to help the ecosystem here,” ani Hartman.
Samantala, sinusubukan din ng Canada na mag-invest o mamuhunan sa nursing at medical schools, okolehiyo para makapagbigay ng pagsasanay para sa ” future health professionals.” Kris Jose