Home NATIONWIDE Pinoy IDF soldier na nasawi sa Gaza nailibing na

Pinoy IDF soldier na nasawi sa Gaza nailibing na

MANILA, Philippines- Naihatid na sa huling hantungan si Sergeant First Class Cydrick Garin, Pilipinogn miyembro ng Defense Forces (IDF) na nasawi sa Gaza, ayon sa ulat nitong Biyernes.

Dinaluhan ng mga kaibigan, pamilya, at mga kasamahan ang burol ni Garin sa Tel Aviv, kung saan inalala ang kanyang katapangan at sakripisyo.

Isa ang 23-anyos na si Garin, isang reservist, sa 21 IDF members na nakitil sa pagsabog sa Gaza na isinisisi sa Hamas militants noong January 22.

Ayon sa Israel Embassy sa Pilipinas, kapwa Pinoy ang mga magulang ni Garin– ang kanyang ina ay tubong-Isabela na kasalukuyang naninirahan sa Tel Aviv habang ang kanyang ama ay mula sa General Santos City.

Isinilang si Garin sa Pilipinas at lumipat sa Israel kasama ang kanyang ina na si Imelda noong dalawang taong gulang pa lamang siya.

Nagtungo naman ang ama ni Garin na si Enrico Cruz Basilio sa Israel nitong Miyerkules para sa libing ng kanyang anak. RNT/SA

Previous articleAdmin tasks ng mga guro kakalusin na
Next articleRed-tagging tinalakay ng NTF-ELCAC, UN expert