Home METRO Pinoy na guro sa US inaresto sa child pornography

Pinoy na guro sa US inaresto sa child pornography

AMERIKA – Arestado ang isang Pinoy na college teacher sa Raleigh-Durham International Airport sa North Carolina dahil sa umano’y pagkakasangkot sa child pornography.

Kinilala ng Halifax County Sheriff’s Office ang suspek na si Jestoni Jumaquio Pestaño na kasalukuyang naghihintay ng flight patungong Japan nitong Sabado nang dakpin siya ng mga tauhan ng Homeland Security at airport police.

Isinilbi kay Pestaño ang warrant para sa Felony Second Degree Sexual Exploitation of a Minor at dinala siya sa Halifax County Detention Center.

Wala namang inirekomendang piyansa kay Pestaño at ikinonsidera rin siyang “flight risk.”

Base sa Halifax County Sheriff’s Office’s Criminal Investigations Division na nakatanggap sila ng sumbong tungkol sa child pornography na ipinadala sa Halifax County via Instagram patungo sa isang user sa Pilipinas.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, natunton nila ang pinagmulan ng malalaswang larawan ng menor de edad na nagmula sa isang local IP address at natukoy bilang suspek si Pestaño, na nagtuturo sa Halifax County Early College.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng awtoridad tungkol sa kaso. RNT

Previous articleVP Sara nagpaliwanag na sa buradong EDSA Revolution message
Next articleSandara, nasa Pinas, sasabak sa Batang Quiapo?