Home NATIONWIDE Pinoy na nakapatay arestado sa Hawaii

Pinoy na nakapatay arestado sa Hawaii

NEW YORK- Dinakip ng mga awtoridad sa Hawaii ang isang 21-anyos na Pilipino matapos ang malawakang manhunt kasunod ng pagkamatay ng isang 64-anyos na indibidwal.

Kinilala ang suspek na si Korey Farinas.

Nasawi ang biktimang si Andrew Quisquirin dahil sa ligaw na bala na mula umano sa pagpapaputok ni Farinas sa pakikipag-alitan nito sa isang drug store, base sa imbestigasyon ng Honolulu Police.

Naganap ang insidente lampas alas-11 ng gabi noong January 20. Rumesponde ang Honolulu Police patrol officers sa ulat ng pagtatalo sa Longs Drugs store sa Waianae.

Dumating ang mga pulis sa drugstore at nadatnan ang dalawang grupong sangkot sa alitan na umalis sa hiwalay na sasakyan.

Sinundan ng ikalawang grupo ang una, kung saan ilang beses umanong nagpaputok ang pasahero ng ikalawang grupo sa sasakyan ng una.

Nagmaneho ang dalawang grupo sa direksyon patungo sa Makaha sa Farrington Highway.

Nakatayo ang biktima sa kanyang driveway at naging biktima ng ligaw na balang pinaputok sa insidente. Agad siyang binawian ng buhay.

Inisyal na itinuturing na armado at delikado, ilang araw nakapagtago si Farinas mula sa mga awtoridad bago siya naaresto.

Maaaring maharap ang suspek sa mga kasong manslaughter, first-degree attempted murder, three counts ng second-degree attempted murder, at firearms offenses. RNT/SA

Previous articlePinay isa sa 4 bangkay na narekober sa Hawaii wildfire; kinumpirma ng Maui authorities
Next articleSpecial non-working day sa Consolacion, Cebu kasado sa Feb. 6