Home NATIONWIDE Pinoy nurses sa NYC nakilahok sa kilos protesta; mas karagdagang sahod, manpower...

Pinoy nurses sa NYC nakilahok sa kilos protesta; mas karagdagang sahod, manpower inihirit

NEW YORK CITY- Daan-daang Pilipinong nurse na nagtatrabaho sa mga pampublikong ospital dito ang nakilahok sa kilos-protesta na nananawagan ng mas maraming benepisyo at karagdagang manpower.

“We cannot retain nurses, everybody is leaving and the city is hiring agency nurses and it costs them more instead of giving that to us,” ani Laiza Romero, isa sa mga raliyesta sa harap ng Elmhurst Hospital in Queens.

Sinabi ni Romero na mula sa apat hanggang limang pasyente na inaalagaan ng isang nurse, tumaas na ang bilang nito sa 10 hanggang 14 pasyente kada isang nurse.

Aniya, lumilipat na ang mga nurse sa mga pampublikong ospital sa mga pribado para sa mas malaking sweldo at mas ligtas na working environment.

Samantala, umalma naman si Reena Silva, isang nurse sa Queens Hospital na nasa ilalim ng pangangasiwa ng New York City Health + Hospital system, na mula sa pagkilala sa kanila bilang bayani sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic, tila nalilimutan na umano ngayon ang mga nurse.

“It’s so unfair that after the pandemic we are zero hero now. So we need a fair contract at this time, so we beg for support for nurses in New York. We have a lot of Filipinos nurses — male, female Filipino nurses — and we are struggling for a fair staffing every time,” giit ni Silva.

Ayon kay John Bahia mula sa opisina ni Steve Raga, ang unang Filipino-American na nahalal bilang New York State Assemblyman, babantayan nila ang negosasyon sa pagitan ng nurses’ group at ng city government. RNT/SA

Previous articlePreserbasyon ng mga larong Pinoy, isinusulong
Next articleLegarda sa kasamahan: Kagandahang-asal, laging isaisip