Home HOME BANNER STORY Pinoy patay sa Maui wildfire – DFA

Pinoy patay sa Maui wildfire – DFA

MANILA, Philippines – Iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Biyernes, Agosto 18 na mayroong isang Filipino ang nasawi sa matinding wildfire sa Hawaii.

Sa mensahe, sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo De Vega na ang biktima ay kinilalang si Alfredo Galinato.

“He was a naturalized US (United States) Citizen from Ilocos. We are assisting the family,” ani De Vega.

Idinagdag pa ni De Vega na inasistehan na ng Philippine Consul General sa Honolulu ang nasa 66 Filipino na apektado ng wildfire sa Maui.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 110 katao ang nasawi dito na itinuturing na “deadliest wildfire” sa Estados Unidos sa nakalipas na ilang dekada. RNT/JGC

Previous article1 patay sa gumuhong pader sa Quezon City Hall
Next articleEstudyante, 2 pang tulak ng P120K droga, timbog