Pinoy pole vaulter EJ Obiena, sinabing ligtas siya sa gitna ng lockdown sa Italy

Pinoy pole vaulter EJ Obiena, sinabing ligtas siya sa gitna ng lockdown sa Italy

March 25, 2020 @ 5:58 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Italy — Siniguro ng Pinoy pole vaulter na si EJ Obiena na ligtas siya sa bansang Italy sa gitna ng umiiral na lockdown doon dahil sa COVID-19.

Sa isang ulat, inilahad ni Obiena ang tungkol sa sitwasyon niya sa Formia, Italy.

Sinabi ng 2019 Southeast Asian Games gold medalist na sumailalim ito sa COVID-19 testing nang ipatupad ng pamahalaan ng Italy ang mga hakbang upang pangalagaan ang mga mamamayan nito.

“I would say I’m on a safe place,” saas ni Obiena. “The training center is very strict. To be honest, nobody goes in anymore other than the athletes. They’re testing us every day, like they’re checking our temperature.”

Hanggang nitong Lunes, mayroon nang 59,138 kumpirmadong kaso ng COVID-19 kung saan 5,476 na ang nasawi, ayon World Health Organization.

Si Obiena ang unang Pinoy na nag-qualify sa Tokyo Olympics matapos makapagtala ng 5.81m sa isang kumpetisyon sa Italy noong nakaraang taon.

Ngunit ipinagpaliban ang naturang palaro matapos i-assess ng International Olympic Committee ang global health crisis dahil sa banta ng COVID-19.

“It’s a lot bigger than sports. We hope everything falls into place and we hope that Olympics pushes through,” giit ng atleta. “But at the same time we gotta accept the fact that there’s a really big chance it’s not gonna happen this year.” Remate News Team/MM

Share

Leave a Reply

Loading...