Pinoy sa Oman, binawian ng buhay dahil sa COVID-19; 9 pang kaso, naitala

Pinoy sa Oman, binawian ng buhay dahil sa COVID-19; 9 pang kaso, naitala

July 1, 2020 @ 10:18 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Iniulat ng Philippine Embassy sa Oman ang isang Pinoy na nasawi sa coronavirus disease o COVID-19 at siyam pang positibong kaso ng virus.

“Isa pa lang ang namatay, unfortunately medyo severe iyong kanyang kaso, pero iyong mga nine na, na-ospital, five are supposedly out of ICU [intensive care unit]. The other four are in better condition,” ani Ambassador Narciso Castañeda sa televised briefing.

Dagdag pa ni Castañeda, mas maayos na ang sitwasyon ng mga Pinoy sa naturang bansa.

“Medyo mabilis kumalat iyong COVID kapag may dikit-dikit tapos hindi na nasubaybayan ang nangyayari,” aniya.

Dagdag pa ni Castañeda, naipaabot na ng gobyerno ng Pilipinas ang tulong pinansyal sa 6,700 Filipino workers na apektado ng COVID-19 crisis.

Inihahanda na rin ang repatriation ng marami pang Pinoy na nawalan ng trabaho dala ng pandemic.

“We will try our best to ensure that our fellow Filipinos are attended to adequately,” saad pa ni Castañeda. RNT/FGDC

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...