Home HOME BANNER STORY Pinoy scientists sa Pag-asa Island ‘hinarass’ ng China aircraft – BFAR

Pinoy scientists sa Pag-asa Island ‘hinarass’ ng China aircraft – BFAR

MANILA, Philippines- Hinarass umano ng Chinese helicopter nitong Sabado ang grupo ng Filipino scientists at researchers na nagsasagawa ng marine resource assessment sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea, na nagresulta sa pagkasugat ng ilang miyembro ng team, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources. 

Sa video na inilabas ng BFAR, makikita ang People’s Liberation Army Navy helicopter na may tail number 57 na umaaligid sa taas ng Sandy Cay 3 at 4 at binabantayan ang aktibidad ng research team mula sa bureau, UP Institute of Biology, at National Fisheries Research and Development Institute (NFRDI).

Ipinagpatuloy ng helicopter ang paglapit sa sand bar, kung saan nagsasagawa ang ilang researchers ng kanilang pananaliksik.

Batay sa BFAR personnel, natakot ang researchers matapos bumaba ng helicopter hanggang 50 talampakan mula sa lupa, sa loob ng halos 10 minuto.

Dahil dito, nasugatan ang ilang scientists at BFAR crew dahil sa malakas na hangin at debris.

Muntik na ring malunod ang isang BFAR crew na nangangasiwa sa underwater drone dahil hindi siya makaalis sa tubig bunsod ng malakas na hanging dulot ng helicopter. Nasagip naman siya ng kanyang kasamahan.

Gayundin, iniulat ng research divers na nakarinig sila ng “ping” sounds na may tatlong segundong pagitan habang sumisisid sa Cay 3.

Dahil sa insidente, pinabalik ng mission commander ang research team.

Naganap ang harassment sa parehong araw na binomba ng China Coast Guard vessels ng tubig ang Philippine resupply boat Unaizah May 4 sa rotation and resupply mission sa Ayungin Shoal. RNT/SA

Previous articleLolo sinapak ng apo todas!
Next articleBI officers, mga puganteng dayuhan inakusahan ng solon ng sabwatan; Bamban mayor idinawit sa sinalakay na POGO hub