Home NATIONWIDE Pinoy skilled workers wanted sa Jordan

Pinoy skilled workers wanted sa Jordan

303
0

AMMAN – Kailangan ng libo-libong skilled workers sa Jordan upang mas palakasin ang kanilang ekonomiya.

Base sa pagpupulong nina Philippine Ambassador to Jordan Wilfredo C. Santos at Secretary General Farouq Al-Hadidi ng Ministry of Labor (MOL) noong Agosto 7, 2023, sinabi ni Al-Hadidi na posibleng magbigay ang Jordan ng Specialized Work Permit para sa Filipino skilled workers upang punan ang labor demand ng iba’t ibang industriya ng kanilang bansa.

Target ng Jordan na tumanggap ng karagdagang 43,000 na manggagawang Pilipino sa mga susunod na taon. Nagpasalamat naman si Santos kay Al-Hadidi sa alok na ito. Gayundin, pinuri niya ang proteksyong ibinibigay ng Jordan sa overseas Filipino workers.

Tinalakay din sa nasabing pulong ang mga hakbang na kailangang isagawa para mapabilis ang pagpasok ng Filipino skilled workers Jordan. Tiniyak ni Santos na patuloy na magtutulungan ang embahada at Ministry of Labour ng Jordan sa mga usapin ukol sa kapakanan ng mga OFW.

Batay sa tala ng MOL ng Jordan at DMW, 95% ng mga OFW sa Jordan ay nagtratrabaho sa household service sector. RNT/SA

Previous articlePH military magpapadala ng karagdagang suplay sa WPS
Next article₱2 dagdag-pasahe hirit ng transport groups

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here