Home HOME BANNER STORY Pinoy teacher arestado sa US airport sa child porn

Pinoy teacher arestado sa US airport sa child porn

NEW YORK CITY- Arestado ang Filipino college teacher sa Raleigh-Durham International Airport sa North Carolina nitong weekend dahil sa umano’y child pornography.

Hinihintay ng suspek na si Jestoni Jumaquio Pestaño, ang flight patungong Japan nitong Sabado nang madakip siya ng Homeland Security agents at airport police.

Dinala si Pestaño sa Halifax County Sheriff’s Office, kung saan siya sinilbihan ng warrant para sa Felony Second Degree Sexual Exploitation of a Minor.

Kasalukuyang nakapiit si Pestaño sa Halifax County Detention Center nang walang inirekomendang piyansa dahil sa potential flight risk.

Noong February 15, 2024, nakatanggap ng ulat ng child pornography ang detectives mula sa Halifax County Sheriff’s Office’s Criminal Investigations Division, na ibinabahagi umano sa Halifax County sa pamamagitan ng Instagram sa isa pang user sa Pilipinas.

Dahil dito, nagsagawa ang detectives ng imbestigasyon at natukoy na ipinadadala ang media mula sa isang local IP address. Kalaunan ay natukoy nila si Pestaño, isang guro sa Halifax County Early College, na responsable sa pagpapadala ng mga imahe. 

Nakakuha naman ng multiple search warrants na isinilbi sa paaralan at tahanan ni Pestaño.

Gumugulong ang imbestigasyon, kung saan nakaamba ang karagdagang kaso laban sa suspek. RNT/SA

Previous articleVP Sara nakiisa sa anibersaryo ng People Power
Next article6 taong termino ng Pangulo sapat na – Digong