Home NATIONWIDE Pinoy wanted sa Hawaii sa pagnanakaw

Pinoy wanted sa Hawaii sa pagnanakaw

NEW YORK, United States- Kasalukuyang tinutugis ang isang Filipino sa Hawaii kaugnay ng second-degree theft case.

Pinaghahanap ng Honolulu Police personnel ang suspek na kinilalang si Dylan Tolentino, kasunod ng paglalabas ng arrest warrant laban sa kanya.

Sangkot si Tolentino, kasama ang isa pang suspek, sa $25,000 theft sa Target store sa Kapolei, Honolulu.

Ayon sa tala ng Honolulu Police, apat na beses nang ina-convict si Tolentino at pinaniniwalaang nagtatago sa Waipahu area.

Hinihikayat naman ng mga awtoridad ang publiko na agad na ipagbigay-alam sa kapulisan sakaling mayroon silang impormasyon hinggil sa kinaroroonan ni Tolentino. RNT/SA

Previous articleDagdag-presyo sa ilang produkto aprub sa DTI
Next articleHuang sa WPS issue: ‘Follow the guidance of the President instead of any officials’