Home NATIONWIDE Pinsala ng El Niño higit P700K na

Pinsala ng El Niño higit P700K na

MANILA, Philippines- Nagdulot ang El Niño ng halos P717,500 halaga ng pinsala sa pagsisimula ng rice planting season, ayon sa Department of Agriculture nitong Huwebes. 

Inisyal na naapektuhan ng weather phenomenon kung saan mayroong below-normal rainfall ang 22.3 ektarya ng taniman ng palay at kabuhayan ng halos 22 magsasaka sa southern province, batay sa DA sa una nitong El Niño bulletin. 

Inaasahang tataas pa ang mga bilang na ito sa pagpasok ng iba pang mga datos mula sa iabng rehiyon.

Sinabi ng DA na ipagpapatuloy nito ang pagpapakalat ng impormasyon at abiso sa mga magsasaka. Anito pa, isinusulong din nito ang drought resistant crop varieties. 

Nakararanas ng tagtuyot ang walong probinsya sa Luzon kabilang ang Apayao, Bataan, Cagayan, Cavite, Ilocos Norte, Kalinga, Palawan, at Zambales, base sa state weather bureau, PAGASA.

Umiiral dina ng dry spell at dry conditions sa mas marami pang lalawigan sa buong bansa.

Hindi bababa sa 19 lugar, kabilang ang Metro Manila, ang nakararanas ng dry spell habang 23 iba pa ang sapul ng dry conditions.

Direktang epekto rin ng malakas na El Niño ang mas madalang na pag-ulan na kasalukuyang nararanasan sa tropical Pacific Ocean. Inaasahang tatagal ito hanggang March, April, at May ng taong ito, batay sa PAGASA. RNT/SA

Previous articleSistema ng paglalabas ng SRP bulletins binubusisi ng DTI; consumer group nababahala
Next article‘Foolish’ people’s initiative dapat ipatigil ni Marcos kay Romualdez – Koko