Home NATIONWIDE Pinsala sa El Niño, P357.4M na

Pinsala sa El Niño, P357.4M na

MANILA, Philippines – Dumoble sa P357.4 milyon mula sa P151.3 milyon ang pinsala sa agrikultura sa El Nino phenomenon.

Sa pinakabagong bulletin ng Department of Agriculture, nasa 7,668 magsasaka sa mga rehiyon ng Ilocos, Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon and Palawan), Western Visayas at Zamboanga Peninsula.

Ang volume of production losses naman ay nasa 11,480 metric tons (MT) para sa palay, 2,897 MT sa mais, at 225 MT sa high-value crops sakop ang 6,523 ektarya ng lupain.

Ayon sa DA, ang 5,011 ektarya ay para sa taniman ng palay na nagrirepresenta sa 0.52 percent ng total target area na itinanim, habang ang 11,480 MT ng apektadong palay ay nasa 0.12 percent ng target dry cropping season output para sa 2024.

Sa mais naman, nasa 1,263 ektarya ng taniman ang apektado ng El Nino o 0.11 percent ng total target area na tinaniman.

Ang estimated production loss ay nasa 2,897 MT o katumbas ng 0.06 percent ng target production para sa dry cropping season ngayong taon. RNT/JGC

Previous articlePilipinas target magkaroon ng 3 key allies sa external defense
Next articlePH nasa ‘gray list’ pa rin ng FATF sa money laundering