Home NATIONWIDE Pinsala sa shear line umabot na sa P136M

Pinsala sa shear line umabot na sa P136M

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) nitong Lunes, Enero 29 na umakyat na sa P136.57 milyon ang pinsala dahil sa shear line.

Ang production loss ay nasa 1,141 metric tons kung saan naapektuhan ng shear line ang 9,043 ektarya ng agricultural areas na karamihan ay mga taniman ng palay.

“Yung shear line ‘yung pagsalubong ng mainit at malamig na hangin sa taas na nagdudulot ng mga pag-ulan, eto’y nakakaapekto ngayon sa North at Central Mindanao,” pahayag ni Asec. Arnel De Mesa of the Department of Agriculture.

“Masyadong maraming dalang ulan, but it’s a natural occurrence, epekto na rin ng climate change,” pagpapatuloy niya.

Sinabi ng DA na naka-standby ang P18.50 milyong halaga ng bigas, mais at iba’t ibang vegetable seeds sa oras na handa na muling magtanim ang mga magsasaka.

“Yung shear line, maraming dalang tubig ‘yan, pagbagsak, it can cause flash floods, kung nasa early stages ang mga halaman, madaling maaapektuhan” aniya.

Nag-alok din sila ng Survival and Recovery (SURE) Loan Program sa mga magsasaka mula sa Agricultural Credit Policy Council, na may loanable amount na hanggang P25,000 na mababayaran sa loob ng tatlong taon at walang interes. RNT/JGC

Previous articleSimbahan ng Quiapo, idineklara nang National Shrine
Next articleLolit, umuusok sa galit, target si Kyline!