Home METRO Pinto ng tren ng MRT, nagloko

Pinto ng tren ng MRT, nagloko

293
0

MANILA, Philippines – Bahagyang naantala ang biyahe ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) nitong Huwebes, Mayo 18, makaraang makaranas ito ng problema sa pintuan dahil sa “start-up interlocking error.”

Ayon sa abiso ng MRT-3, ang tren ay biyaheng Ortigas Station (southbound) nang makaranas ng glitch bandang alas-9:29 ng umaga.

Ipinaliwanag naman ng pamunuan ng MRT-3 na ang problema ay nagdudulot ng bahagyang pagsasara ng pintuan ng tren.

“For [the] safety of all passengers, the train was temporarily halted until [the] error was resolved by on-board technicians,” ayon sa abiso.

Inayos na ng mga technician ang isyu bandang 9:33 ng umaga dahilan para umandar na ulit ang tren.

“Effect on train operations is minimal at estimated 4 minutes recoverable delay,” salaysay ng MRT-3

“The MRT-3 apologizes for the inconvenience to the affected passengers,” pagtatapos nito. RNT/JGC

Previous articleLolo’t lola ni Malia, pinagtripan ni Pokwang!
Next articleSBP president pinuri ang UAAP, PBA sa tagumpay ng GILAS sa SEA Games

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here