Home ENTERTAINMENT Piolo, lalagay daw sa tahimik pag ‘tuli’ na!

Piolo, lalagay daw sa tahimik pag ‘tuli’ na!

Manila, Philippines – Usung-uso ang kasabihang: “Pag gusto, may paraan; pag ayaw, maraming dahilan!”

Alin kaya sa dalawa ang angkop bilang paglalarawan kay Piolo Pascual.

Sa kanyang latest interview regarding his two MMFF entries ay muling tinanong ang aktor tungkol sa plano niyang magkaroon na ng sariling pamilya.

Piolo has two films in the festival race: ang Mallari at ang Gomburza.

In both movies, parehong pari ang papel na ginagampanan ni Piolo only that the former has him play a serial killer.

But there’s much more to talking about his priest role dahil mas sumentro ang panayam sa kanya sa kung kailan siya haharap sa totoong pari para basbasan ang kanyang pagpapakasal.

A serious question thrown his way, sinagot ito ni Piolo sa paraang pabiro.

Aniya: “Pag tuli na ako. Joke lang!”

But on a serious note, ilang beses na ring sinabi ng Ultimate Leading Man that he’s not in a rush.

“When it comes, it comes,” patungkol sa espesyal na araw na ‘yon sa kanyang buhay.

“‘Di ba, ‘most promising’ ang tawag sa akin? Eh, ang dami ko pang labada, paano ko ‘yon matatapos if I settle down?” Piolo jested again.

Sa ngayon daw ay sapat nang meron siyang anak, ang beinte sais na singer-actor ding si Iñigo.

“For me, having Iñigo in my life is enough for me,” giit pa ng solo parent.

Tanging si Piolo lang naman ang nakakaalam when the right time to settle down will come.

Baka nga magulat na lang tayo with his announcement of his wedding date.

Therefore, huwag nating i-pressure si Papa P because only he knows what’s ahead of him! Ronnie Carrasco III

Previous articleOne School, One Product ng iba’t ibang paaralan, idinaos sa Navotas
Next articleBea at Lolit, nagkita, nagkabati na!