Manila, Philippines – A relationship without labels.
Ganito kung ilarawan ni Piolo Pascual ang relasyon nila ni Shaina Magdayao.
Kamakailan nga, while attending the Busan International Film Festival in South Korea ay nakarating kay Shaina na nagdadalantao siya.
At si Piolo ang itinuturing na “culprit.”
According to Shaina herself, she had been getting frantic calls and messages from family and friends wanting to find out the truth.
For her part, hindi naman daw itatanggi ng aktres kung totoo ang balita.
After all, she’s of age. Ang kaso, there’s no truth to the buzz.
Eh, si Piolo kaya, what does the actor have to say about it?
Puro tawa lang ang tugon ni Piolo pero inamin niyang nakatanggap din daw siya ng mga tawag.
But he kept telling eager friends: “Pasensya na, hindi ko kayo nasabihan. Isi-secret kasi namin dapat!”
Aminado si Piolo that he holds Shaina dear.
In fact, lagi raw itong present sa kanilang mga family celebrations.
Ayaw nga lang ng aktor na bigyan ng label kung anuman ang namamagitan sa kanila ng aktres.
Piolo confesses na sa rami ng mga pinagkakaabalahan niya, magiging unfair lang daw siya kay Shaina kung hindi niya ito mapaglalaanan ng oras. Ronnie Carrasco III