Home NATIONWIDE Pirmang nakalap sa people’s initiative maaaring mapawalang-bisa kung..

Pirmang nakalap sa people’s initiative maaaring mapawalang-bisa kung..

MANILA, Philippines- Maaring mapawalang-bisa ang mga pirmang nakalap sa patuloy na kampanya ng people’s initiative kung napapatunayan na ang mga ito ay ibinigay kapalit ng pera, sinabi ng Commission on Elections noong Linggo.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na ang pamamahagi ng pera sa people’s initiative campaign ay hindi dapat ikonsiderang vote-buying dahil ang mga pirma ay hindi boto ngunit maaaring makaapekto sa petisyon kapag napatunayan.

Aniya, ang mga taong nasa likod ng pagsusulong nito ay mahaharap sa kasong anti-graft at malversation charges kapag ginamit ang kaban ng bayan.

“Sa part po namin, ‘yun po ang dahilan bakit ayaw ko munang desisyonan o sabihin ang magiging aksiyon ng Comelec sapagkat maghihintay muna kami ng magko-complain,” sabi ni Garcia sa isang panayam.

Nagbabala rin ni Garcia na ang paggamit ng pera upang makakuha ng suporta para sa petisyon ay maaring magamit para ipawalang-bisa ang mga pirma na nakalap sa kampanya.

Maaaring magmungkahi ang publiko ng mga pagbabago sa konstitusyon sa pamamagitan ng people’s initiative sa pamamagitan ng paghahain ng petisyon na nilagdaan ng hindi bababa sa 12 porsyento ng kabuuang bilang ng mga rehistradong botante.

Bawat legislative district ay dapat ding kinakatawan ng hindi bababa sa 3 porsyento ng mga rehistradong botante.

Mayroong mahigit 67 milyong rehistradong botante sa Pilipinas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleJK, nag-sorry sa pari!
Next articlePH nakikipag-ugnayan na sa Iran para sa pag-uwi ng 18 Pinoy seafarers ng sinalakay na tanker