Home METRO Pista ng Sto. Niño sa Tondo, pinaghahandaan na!

Pista ng Sto. Niño sa Tondo, pinaghahandaan na!

MANILA, Philippines – KATULAD nang nagdaang pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo, na umabot ng milyon milyong deboto at mananampalataya, pinaplano na ng Manila Police District ang paparating naman na Pista ng Sto. Nino sa Tondo.

Sa ikatlong linggo ng Enero sa 21 ay ipagdiriwang ang pista ng Sto Niño kasabay ng kapistahan ng Sto. Niño de Pandacan.

Mariin ang direktiba ni Manila Police District Director Police Colonel Arnold Thomas Ibay na ipanatili muli ang seguridad sa magkahiwalay na kapistahan.

Ayon kay Police Major Philipp Ines ng Public Information Office (PIO) sa 14 na Station Commander na magtulong-tulong para sa kapayapaan at seguridad ng kapistahan.

Sa Enero 19 ay magtatalaga na ang MPD ng daan-daang kapulisan partikular na ang mga tauhan ng Station 1, Station 2 at Station 7.

Magkakaroon din ng Biker’s Group ang MPD upang magpatrolya sa buong lugar sa Tondo para maiwasan ang anumang karahasan.

Nagbabala rin ang pamunuan ng MPD sa ipatutupad na liquor at gun ban sa nasasakupang pagdiriwang.

Sa prusisyon na gaganapin, nagbabala rin ang pulisya na huwag nang magsama ng bata, at bawal magdala ng anumang matutulis na bagay. Rene Crisostomo

Previous articleRep. Duterte umalma sa kaltas sa 2024 budget
Next articleLalaki umakyat sa poste, nasagip!