Home NATIONWIDE PISTON: Mga rutang dinaraanan ng empleyado, estudyante sapul ng ‘di pagbyahe ng...

PISTON: Mga rutang dinaraanan ng empleyado, estudyante sapul ng ‘di pagbyahe ng unconsolidated jeep

MANILA, Philippines – SINABI ng transport group na PISTON na kabilang sa mga maaapektuhan ang mga ruta ng jeep na ginagamit ng mga manggagawa, nagtitinda, at mga estudyante kapag pinaghihigpitan ang mga unconsolidated jeep simula Pebrero 1.

Ayon sa grupong PISTON na isa sa mga maaapektuhang ruta ay ang Cubao-Divisoria line, na kadalasang ginagamit ng mga bumibili ng mas murang paninda sa bargain center sa Maynila para ibenta sa kanilang mga tindahan.

Nabatid kay PISTON President Mody Floranda na 165 tradisyunal na jeep ang bumibiyahe sa rutang Cubao-Divisoria, at mayroon lamang 13 modernong jeep sa linya.

“Saan sasakay yung ating mga commuter? Hindi kakayanin ng lalabingtatlong unit ang dami ng pasahero,” ayon sa lider ng transport group. Santi Celario

Previous articlePaghahanda ng DA vs El Niño puspusan
Next articleBoeing plan nagkabitak sa cockpit, bumalik sa airport