Home METRO Pitaka sa altar na may laman P120, ninenok ng ginang

Pitaka sa altar na may laman P120, ninenok ng ginang

MANILA, Philippines – PINAGTIYAGAAN nakawin ng 46-anyos na ginang ang coin purse na naglalaman ng P120 sa ibabaw ng altar nang walang makitang mahalagang bagay na matatangay sa pinasok niyang bahay sa Malabon City.

Nadakip naman kaagad ang ginang na kinilala sa alyas “Roselyn”, ng Cadornica St. Brgy. Monroy, Navotas City nang habulin siya ng mga kapitbahay ng biktimang si Angelika Fetalvero, 42, matapos matunugan ang ginawang pagpasok ng walang pahintulot sa loob ng kanyang bahay sa 15 Mallari St. Brgy. San Agustin.

Sa ulat nina P/SSg Ernie Baroy at PSSg. Bengie Nalogoc kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, abala sa paglalaba sa loob ng kaniyang tirahan si Fetalvero nang palihim na pumasok sa loob ng bahay dakong alas-11:20 ng tanghali at naghanap ng makukulimbat hanggang pagtiyagaan ang coin ourse na may laman P120 na nakalagay sa ibabaw ng altar.

Nang palabas na ng banyo ang biktima ay nakita niya ang suspek na nagmamadaling lumabas na naging dahilan upang magsisigaw siya na humingi ng tulong sa mga kapitbahay na nagresulta sa pagkakadakip sa kawatang ginang.

Nabawi ng mga nagrespondeng tauhan ng Malabon Police Sub-Station 6 sa suspek ang ninenok na coin purse at isang patalim na gagamiting ebidensiya ng pulisya laban sa kanya sa pagsasampa ng kasong pagnanakaw at paglabag sa BP-6 o illegal possession of deadly weapon sa piskalya ng Lungsod ng Malabon. Boysan Buenaventura

Previous articlePH dapat mag-invest sa mas maraming naval, air assets – AFP chief
Next articleDefense ties mas palalakasin ng PH, UK