Home METRO PITX magdaragdag ng bagong ruta ngayong 2024

PITX magdaragdag ng bagong ruta ngayong 2024

MANILA, Philippines- Magbubukas ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ng mga bagong ruta sa layunin nitong palawigin ang serbisyo nito para sa mga mananakay.

Sinabi ng public transport hub operator nitong Martes na planing ilunsad ang mga ruta patungong:  Tuguegarao City sa Cagayan; San Carlos City sa Pangasinan; Dagupan City sa Pangasinan; San Pedro, Laguna; Southwoods, Laguna; at, Guimaras, Western Visayas.

Sa kasalukuyan, pinangangasiwaan ng integrated terminal facilitates ang 100 ruta.

Inaasahan ng PITX na makapagseserbisyo sa kabuuang 150 milyong pasahero ngayong taon mula nang pagulungin nito ang full operations noong 2019.

Batay sa datos mula sa ntegrated terminal operator, naserbisyuhan na ng PITX ang 18.5 milyong pasahero noong 2019, 13.4 milyon noong 2020, 17.3 milyon noong 2021, 38.5 milyon noong 2022, at 39.16 milyon noong 2023.

“We are thrilled to see this milestone come to fruition this year, and we owe it all to our passengers who have put their trust in our services,” pahayag ni PITX Corporate Affairs and Government Relations head Jason Salvador.

“We are committed to continuously improving our operations and services to provide a safe, convenient, and seamless transport experience for everyone,” dagdag ni Salvador. RNT/SA

Previous articleIsko, papasukin daw ulit ang pulitika, kakainin ang sinabi?
Next articlePaglabag sa pagpapatupad ng search warrant tinalupan ng Kamara