Home NATIONWIDE Planong pagbuo ng 2M direct jobs ‘gang 2028 pinag-usapan nina PBBM, PSAC

Planong pagbuo ng 2M direct jobs ‘gang 2028 pinag-usapan nina PBBM, PSAC

MANILA, Philippines – Nagpulong sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Private Sector Advisory Council’s (PSAC) Job Sector Group para sa ilang inisyatibong lilikha ng mahigit 2 milyong direct jobs pagsapit ng 2028.

Sa ikaapat na pagpupulong na pinangunahan ni Marcos sa State Dining Room sa Malacañan Palace nitong Huwebes, Agosto 17, ipinresenta ng PSAC – Job Sector Group ang kanilang mga aksyon at rekomendasyon na makatutulong para sa mas maraming employment opportunities ng mga Filipino.

Ipinakita rin kay Marcos ang proposed roadmap ng PSAC at IT and Business Process Association Philippines (IBPAP) upang baguhin ang Pilipinas bilang isang “a global leader in the digital domain.”

Sa ilalim ng proposed roadmap, nakikita sa targeted approach ang pagbubukas ng karagdagang isang milyong trabaho sa Information Technology and Business Process Management (IT-BPM) hanggang 2028, at kabuuang 2.5 milyong employment opportunities.

“These positions will, in turn, stimulate the generation of at least 550,000 new IT-BPM jobs in the countryside and 6.3 million indirect job opportunities across various industries, such as food, logistics, real estate, retail, and transportation. The ripple effect of this initiative is expected to significantly contribute to the nation’s economic development,” ayon sa PSAC.

Sinabi naman ni PSAC lead convenor and Aboitiz Group president at chief executive officer Sabin Aboitiz na nakikita sa proposed roadmap ang pag-aambag ng P169 bilyong annual personal income tax at 8.9% na paglago sa gross domestic product ng Pilipinas.

“This transformative undertaking exemplifies a commitment to harnessing the potential of the Filipino workforce and leveraging technology for the nation’s progress,” ayon kay Aboitiz. RNT/JGC

Previous articlePura Luka Vega persona non grata na rin sa Occidental Mindoro
Next articleVeteran broadcaster Jay Sonza posibleng makalabas na ng piitan ngayong araw